INAMIN ng Chief Accountant ng Department of Education na tumanggap ito ng 25,000 pesos kada buwan mula kay noo’y DepEd Secretary, Vice President Sara Duterte, simula Pebrero hanggang Setyembre ng nakaraang taon.
Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sinabi ni Rhunna Catalan na hindi niya inisip na ang binigay sa kanyang pera ay suhol, kasabay ng pagtanggi na prinessure siya para lumagda sa liquidation reports.
DILG, iniutos ang maagang paghahanda sa Super Typhoon “Uwan”
DOH, nagtaas ng Code Blue Alert kasunod ng deklarasyon ng State of National Calamity
760 million pesos na Cash Aid, ipinagkaloob ng Office of the President sa mga biktima ng Bagyong Tino
State of National Calamity, idineklara ni Pang. Marcos dahil sa pinsala ng Bagyong Tino at sa papasok na Super Typhoon Uwan
Aniya, tumanggap siya ng “allowance” sa pamamagitan ni noo’y DepEd Assistant Secretary Sunshine Fajarda.
Idinagdag ni Catalan na tinanong din niya kay Fajarda kung bahagi ang naturang halaga ng confidential fund, na sinagot naman nito na allowance ito mula sa DepEd Secretary.
Bukod kay Catalan, kabilang sa iba pang dating mga opisyal ng ahensya na nagsabing tumanggap sila ng allowance mula kay VP Sara ay sina dating DepEd Director Resty Osias at dating Education Undersecretary Gloria Mercado.
