WINAKASAN na kagabi ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang kanilang rally laban sa katiwalian sa Quirino Grandstand, isang araw bago ang itinakdang pagtatapos nito ngayong Martes.
Sinabi ni INC Spokesperson Edwil Zabala na hindi na nila kailangan ng tatlong araw para makamit ang kanilang layunin na ihatid ang kanilang panawagan para sa hustisya, accountability, transparency, at kapayapaan.
Sa unang araw ng protesta noong Linggo, umabot sa 650,000 ang lumahok, as of 6 P.M. ayon naman sa Manila Police District, nasa 110,000 ang nagpalipas ng magdamag sa ikalawang araw ng protesta, kahapon.




