27 January 2025
Calbayog City
Overseas

Impeached South Korean President, kinasuhan ng insurrection bunsod ng Martial Law attempt 

KINASUHAN si South Korean President Yoon Suk Yeol ng insurrection matapos ang pagtatangka nitong magdeklara ng Martial Law noong Disyembre.

Ang nabigong pagtatangka na magpatupad ng batas militar ang nagpalugmok sa bansa sa unprecedented political crisis.

Si Yoon din ang kauna-unahang sitting president sa kasaysayan ng South Korea na kinasuhan dahil sa krimen.

Ang pagsasampa ng kaso ay matapos ibasura ng korte sa seoul ang kahilingan na palawigin ang detention ni Yoon noong sabado.

Nangangahulugan ito na kinailangang magdesisyon ng prosecution kung kakasuhan o palalayin ang impeached President. 

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).