INARESTO ng mga awtoridad sa Taytay, Rizal ang bente-sais anyos na suspek na hinostage ang isang taong gulang na anak.
Nangyari ang hostage taking sa Barangay Sta. Ana, dakong alas syete ng gabi noong Sabado.
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Ayon kay Rizal Provincial Police Office Director, Police Colonel Felipe Maraggun, unang inakusahan ng live-in partner nito ang suspek na mino-molestya ang trese anyos na stepdaughter.
Pagkatapos umano nito ay tumakas ang suspek patungong probinsya at hindi alam ng live-in partner na nakabalik na ito noong Sabado ng gabi.
Nagulat na lamang ang ginang nang tumakbo ang suspek hanggang sa highway dala-dala ang kanilang anak, at nagbanta mandadamay siya kapag namatay.
Matapos naman ang isang oras na negosasyon ay sumuko ang suspek sa mga awtoridad.
