NADAGDAGAN pa ang Partner Agencies ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagpapatupad ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) sa Eastern Visayas.
Inanunsyo ng DSWD Regional Office sa Tacloban City na lumagda sila ng Supplemental Memorandum of Understanding, kasama ang Department of Economy, Planning and Development, Commission on Higher Education, Department of Labor and Employment, Bureau of Jail Management and Penology, at Department of Environment and Natural Resources.
Sinabi ni DSWD Eastern Visayas Regional Director Grace Subong na ang ginawang paglagda ay nangangahulugan ng dedikasyon ng Partner Agencies upang maabot ang Ultimate Goal ng programa na mabawasan ng gutom at kahirapan.
Suportado ng programa ang hakbangin ng pamahalaan na maibsan ang gutom at kahirapan sa pamamagitan ng Whole-of-Nation Approach.