21 December 2025
Calbayog City
National

Ika-2 araw ng Bicam, naantala; Sen. Bato Dela Rosa, no-show pa rin

NA-delay ang pagsisimula ng ikalawang araw ng Bicameral Conference Meeting para sa panukalang 2026 National Budget. 

Sa halip kasi na alas dos ng hapon, alas singko na ng hapon nagsimula ang Bicam. 

Humingi ng paumanhin si Senate Finance Committee Chairman Win Gatchalian at si Sen. Kiko Pangilinan sa House Contingent dahil na-delay ang pagdating ng mga senador. 

Paliwanag ni Pangilinan nagkaroon pa ng pulong ang Senate Contingent na tumagal ng halos dalawang oras. 

Sa ikalawang araw ng Bicam, tinalakay ang budget proposal para sa Department of Public Works and Highways.

Samantala, no-show pa rin si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa ikalawang araw ng Bicameral Conference Committee hearing sa proposed 6.703-Trillion Peso National Budget para sa 2026, kahapon.

Noong Sabado ay hindi dumalo ang senador sa unang araw ng deliberasyon, na naka-live stream online sa kauna-unahang pagkakataon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).