Umakyat na sa 1,024 na katao ang naitalang stranded sa mga pantalan a bansa dahil sa pananalasa ng bagyong crising.
Ayon sa abiso ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga stranded ay nasa mga pantalan sa Southern Tagalog, Western Visayas, Eastern Visayas, Southern Visayas, Bicol, Palawan, Northern Mindanao at Southern Mindanao.
Mayroon ding 50 barko, 45 motorbanca at 348 rolling cargoes ang stranded at hindi makaalis sa mga pantalan.
Habang mayroong 35 barko at 12 motorbancas ang pansamantalang nagkanlong sa ligtas na lugar.