IMINUNGKAHI ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Ombudsman na kasuhan si Dating Public Works Secretary Manuel Bonoan, at Undersecretaries Roberto Bernardo at Catalina Cabral.
Kaugnay ito sa posibleng paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials bunsod ng 69.4-Million Peso Ghost Project sa Plaridel, Bulacan.
Tinukoy ni ICI Chairperson Andres Reyes Jr. ang proyekto bilang Riverbank Protection Structure sa Barangay Bagong Silang (Purok 4) sa Plaridel, na una nang pinuna ng Commission On Audit (COA), dahil itinayo sa hindi tugmang Project Site at kapos sa inaprubahang Specifications.
Ang naturang Project ay itinayo ng Topnotch Catalyst Builders, na wala ring iprinisintang Supportive Documents for Validation.
Una nang inihayag ng COA na Fully Paid na ang Plaridel Project, subalit hindi naman gumagana.




