INIREKOMENDA ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang pagsasampa ng mga kaso laban kay Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co at ilang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay ng 290-Million Peso Flood Control Project sa Mindoro.
Ginawa ng ICI ang rekomendasyon sa Office of the Ombudsman, kung saan inihain ng komisyon ang kanilang Initial REPORT.
Paglipat ng Flood Control Project Funds sa edukasyon, suportado ng Budget Department
Paglalagay ng 2 pang Temporary Pumps sa Sunog Apog Pumping Station sa Maynila, ipinag-utos ng DPWH chief
Rep. Zaldy Co, nagbitiw bilang kongresista!
Finger heart sign ni Sarah Discaya, itinuturing ng DOJ na kawalan ng sinseridad
Kabilang sa mga kaso na inirekomendang isampa ay paglabag sa RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), Malversation of Public Funds, Falsification of Public Documents by a public officer, paglabag sa Government Procurement Reform Act.
Una nang isiniwalat ni DPWH Secretary Vince Dizon na si Co at ang Sunwest Inc. ang nasa likod ng lima mula sa pitong Substandard na Flood Control Projects sa Oriental Mindoro.