MAGKAKAROON ng power interruptions sa iba’t ibang bahagi ng Samar sa Sabado at Linggo.
Sa abiso ng SAMELCO I, mapuputol ang supply ng kuryente simula ala sais ng umaga hanggang ala sais ng gabi, sa Sabado, Aug. 3, bunsod ng isasagawang preventive maintenance services para sa 10MVA Palanas Cara Substation.
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Kabilang sa mga maaapektuhan ang Purok 1 – Capoocan hanggang Lonoy kabilang ang Dagum; Diversion Road – Cacaransan hanggang Gadgaran; at lahat ng mga barangay sa Tinambacan at Oquendo Districts sa Calbayog City.
Sa Aug. 4 naman, araw ng linggo, magkakaroon din ng power interruptions, simula ala sais umaga hanggang ala sais ng gabi, para bigyang-daan ang preventive maintenance services para sa 5MVA San Agustin Substation.
Apektado nito ang mga barangay sa kahabaan ng mga munisipalidad ng Gandara, San Jorge, Matuguinao, Tarangnan, Pagsanghan, kabilang ang Barangay Consumji hanggang Ilo sa Sta. Margarita.
