NAGBITIW na sa puwesto si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual.
Ayon sa Presidential Communications Office, magiging epektibo ang pagbibitiw ni Pascual, bukas, Agosto 2, 2024.
Sinabi ng PCO, na babalik sa pribadong sektor si Pascual.
Inihayag din ng PCO na nakipagpulong si Pascual kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malakanyang para magsumite ng resignation.
Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos si Pascual sa serbisyo nito.