Nakatatanggap ng 5 percent na komisyon si dating Department of Public Works and Highways secretary at ngayon ay Senator Mark Villar.
Bahagi ito ng naging pahayag ni dating Public Works Undersecretary Roberto Bernardo sa pagbabalik niya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ayon kay Bernardo, ang pinsan ni Villar na si Carlos Aguilar ng I&E Construction ang nagsisilbing intermediary at siyang kumokolekta ng share ng dating DPWH Secretary.
Magkatulong aniya sina Villar at dating Usec. Maria Catalina Cabral sa pagtukoy ng mga DPWH projects para mapaghandaan ang National Expenditure Program.




