INANUNSYO ng Bureau of Customs (BOC) na gaganapin ang ikalawang round ng Public auction para sa apat na sasakyan na kinumpiska mula sa mag-asawang Curlee at Sarah Discaya, sa Dec. 5, araw ng Biyernes.
Sa social media post, magsisimula ang subasta para sa mga mamahaling sasakyan, ganap na alas diyes ng umaga, sa BOC Main Office sa Port Area, Maynila.
ALSO READ:
Mahigit 32,000 na bagong guro, asahan sa susunod na taon – DepEd
Sandiganbayan 6th Division, kinonsolidate ang mga kaso sa 289-Million Peso Naujan Flood Control Case
Dating DPWH Secretary Rogelio Singson, nagbitiw sa ICI
Dating Senador Bong Revilla at iba pang personalidad, inirekomendang kasuhan ng ICI bunsod ng flood control scandal
Ang apat na isusubastang sasakyan ay kinabibilangan ng 2022 Toyota Tundra, 2023 Toyota Sequoia, 2023 Rolls-Royce Cullinan, at 2022 Bentley Bentayga.
Mayroon itong combined value na 17.3 million pesos.
Bubuksan ang public viewing sa qualified bidders sa Dec. 2 at 3.
