Suspendido ang klase sa lahat ng antas, public at private sa Quezon City sa Lunes, July 28 kaugnay ng State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa ilalim ng Executive Order No. 10 iniutos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang class suspension dahil sa inaasahang pagpapatupad ng road closures para sa SONA na maaaring makaapekto sa mga motorista at mga pasahero.
ALSO READ:
DepEd NCR, nag suspinde ng Face-to-Face Classes ngayong Lunes hanggang bukas
Maynila, nakakolekta na ng 160 million pesos na buwis mula sa Flood Control Contractors
Navotas Floodgate, nabutas matapos mabangga ng barko
DOTr, binigyan ng Special Permits ang mahigit 200 na bus para magsakay ng mga pasahero sa NIA Road
Samantala inanunsyo din ng Quezon City LGU ang pagbabago sa bus stops ng kanilang libreng sakay para sa araw ng Lunes.
Ang mga sumusunod na bus stop ay pansamantalang isasara sa araw ng SONA:
- St. Peter church (going to litex closed)
- Kasiglahan (north and south bound closed)
- Sinag-Tala/QCU Batasan (north and south bound closed)
- Litex/IBP (closed)
Narito naman ang listahan ng bubuksan na temporary bus stops:
- Commonwealth/Commission on Audit (COA) (both opposite side)
- Commonwealth/Soliven St. near Jollibee (dispatching area)