NABAWASAN ang bagong Construction Projects noong Agosto, matapos bumaba ng 2 percent ang inaprubahang Building Permits kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Bunsod ito ng tumaas na halaga ng mga materyales at masamang panahon.
Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumagsak ang bilang ng Construction Projects mula sa inaprubahang Building Permits sa 14,340 noong ikawalong buwan mula sa 14,627 na naitala noong August 2024.
Bagaman nabawasan ang inaprubahang Construction Projects, tumaas naman ang Value nito ng 14 percent o sa 58.66 billion pesos mula sa 51.38 billion pesos noong Agosto ng nakaraang taon.