Nagsampa ng reklamong cyberlibel si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Jay Tarriela laban sa social media personality na si Sass Rogando Sasot.
Sa post ni Tarriela sa kaniyang X account, igniit ng opisyal na ang reklamo ay kasunod ng malisyoso at walang basehan na pag-atake ni Sasot sa personal niyang buhay kundi maging sa kaniyang pagiging PCG spokesperson.
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Binanggit ni Tarriela ang mga post ni Sasot sa Facebook at X sa pagitan ng July at October 2024 kung saan inaakusahan yang sangkot sa bribery, korapsyon, dishonesty at misconduct.
Partikular na bintang ni Sasot ang pagtanggap umano ni Tarriela ng 4 million dollars na talent fee mula sa Amerika at mga bag na puno ng pera na galling naman kay House Speaker Martin Romualdez. Ayon kay Tarriela ang pagsasampa niya ng reklamo ay hindi lamang para maidepensa ng kaniyang sarili kundi bilang pagtindig din sa bawat public servant na nakararanas ng online abuse at misrepresentation.
