Nadiskubre sa sinalakay sa POGO firm sa Porac, Pampanga ang ilang hinihinalang uniporme ng Chinese military.
Isa sa mga nakumpiska ay digital camouflage uniform na mayroong mga butones na may naka-markang “P.L.A.” na ang hinala ng mga awtoridad ay tumutukoy sa People’s Liberation Army, na armed organization ng Chinese Communist Party (CCP) at principal military force ng People’s Republic of China.
Sinabi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na iimbestigahan nila kung mayroong Chinese military personnel na nasa bansa at nagpapanggap bilang POGO employees.
Noong nakaraang linggo ay ipinatupad ng PAOCC ang search warrant laban sa POGO hub, base sa reklamo na mayroon umanong human trafficking na nangyayari sa loob ng sampung ektaryang establisimyento.
Mayroon ding napaulat na iba’t ibang criminal activities sa lugar, gaya ng sex trafficking, torture, kidnapping, at scamming.