NAKAHUKAY ang militar ng isang rifle at magazines na pag-aari ng New People’s Army (NPA) sa bulubunduking bahagi ng Old Union Village sa Sta. Rita, Samar.
Ayon kay Lt. Col. Eduardo Meclat Jr., Commander ng 63rd Infantry Battalion, nadiskubre ng mga sundalo ang bushmaster 5.56mm rifle at tatlong empty magazines, batay sa impormasyon mula sa mga residente.
ALSO READ:
Karagdagang Potential Geosites sa Northern Samar, tinukoy ng mga eksperto
DSWD, nagbigay ng 24.8 million pesos na ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Helicopter ng Air Force, nag-emergency landing sa Southern Leyte
Bayan sa Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Tino
Sinabi ni Meclat na ang pagkakadiskubre sa armas ay patunay na mahalaga ang pagtutulungan sa pagitan ng militar at lokal na komunidad upang matiyak ang kaligtasan.
Pinasalamatan naman ni Brig. Gen. Noel Vestuir, Commander ng 802nd Infantry Brigade ang mga residente sa kanilang kooperasyon at pagmamalasakit sa kanilang komunidad.
