Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 43 kilometers northeast ng bayan ng Hernani, 4:02 ng hapon ng Martes, May 7.
May lalim na 16 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
- Intensity IV – Hernani, Eastern Samar
- Intensity III – Maydolong, Gen. MacArthur, at Quinapondan, Eastern Samar
- Intensity II – Borongan City, Can-avid, Giporlos, Balangiga, Lawaan, Sulat, at Arteche, Eastern Samar; at sa Dulag, Leyte
- Intensity I – Babatngon, San Miguel at Jaro, Leyte