27 April 2025
Calbayog City
Entertainment

Xian Lim, flinex ang bagong girlfriend sa Instagram

xian lim

Ilang araw matapos kumpirmahin ni Xian Lim na nagde-date na sila ng film producer na si Iris Lee,  hindi na nag-aksaya pa ng panahon ang aktor para i-flex ang bagong girlfriend sa social media.

Pinasilip ni Xian sa fans ang behind-the-scenes photos mula sa sinu-shoot niyang bagong pelikula, na project nilang dalawa ni Iris.

Sa kanyang Instagram, pinost ng aktor ang  mga eksena mula sa kanilang shoot  sa Thailand, pati na ang litrato nilang dalawa habang magkatabing nakaupo sa set.

Nilagyan ni Xian ng caption ang litrato na  “kuman thong” na pamagat din ng pelikula.

Kinumpirma nina Xian at Kim Chiu ang kanilang paghihiwalay noong Disyembre matapos ang labindalawang taong pagiging magkasintahan.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *