15 February 2025
Calbayog City
Business

Utang ng Pilipinas, lumobo sa panibagong record-high na 15.35 trillion pesos 

NAITALA sa panibagong record-high ang utang ng Pilipinas hanggang noong katapusan ng Mayo.

Sa datos mula sa Bureau of Treasury, lumobo sa 15.347 trillion pesos ang Outstanding Debt ng National Government noong Mayo na mas mataas ng 2.2 percent o 330.39 billion pesos kumpara sa 15.07 trillion pesos noong Abril.

Iniugnay ng Treasury ang tumaas na utang sa paghina ng piso at patuloy na Financing Efforts ng Pamahalaan.

Ang End-May Debt Stock ay binubuo ng 68.04 percent o  10.442 trillion pesos na utang mula sa Domestic Creditors at 31.96 percent o  4.904 trillion pesos mula sa Foreign Lenders.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).