21 June 2025
Calbayog City
Entertainment

Sponge Cola, magre-release ng Korean version ng kanilang kanta na inspired ng ‘Queen of Tears’

MAGRE-RELEASE ang OPM band na Sponge Cola ng Korean version ng kanilang kanta na “Tatlong Buwan,” na inspired ng sikat na K-drama na “Queen of Tears.”

Sinabi ng lead vocalist at guitarist na si Yael Yuzon na challenging ang pagre-record ng kanta kaya naman malaki ang kanyang pasasalamat sa tulong ng “It’s Showtime” host na si Ryan Bang.

Aniya, matiyaga siyang binantayan ni Ryan at kitang-kita niya ang frustration nito kapag nagkakamali siya ng bigkas ng salita.

Inihayag ni Yael na bilang fan ng K-drama at K-Pop, isang oportunidad na matuto ng panibagong lengguwahe.

Ang Korean version ng “Tatlong Buwan” ay mapakikinggan ngayong Hulyo.

Kamsahamnida!

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).