WELCOME sa Ormoc City Government ang plano ng Philippine Airlines (PAL) na magbukas ng Manila-Ormoc Route bilang suporta sa goal na magkaroon ng ‘reliable air transportation’.
Sinabi ni Mayor Lucy Torres-Gomez na nag-meeting na sila kasama si PAL President and Chief Operating Officer, Captain Stanley Ng, at tinalakay ang plano sa paglulunsad ng bagong air route.
Sa kasalukuyan, ang mga biyaherong patungong Manila mula Ormoc ay kailangan pang bumiyahe ng mahigit dalawang oras papunta sa Tacloban City para makasakay ng eroplano.
Sa pamamagitan ng 86-Seater Turboprop Aircraft, plano ng PAL na mag-operate ng Manila-Ormoc-Manila flights tatlong beses sa loob ng isang linggo.
Nakatakdang ilunsad ang maiden flight sa unang bahagi ng 2025 kapag nakumpleto ang air control tower sa Disyembre ngayong taon.