20 May 2025
Calbayog City
Local

Bahagi ng bagong kalsada na magdurugtong sa 2 Samar provinces, tumanggap ng karagdagang P100-M pondo

MAKATATANGGAP ng karagdagang isandaang milyong pisong pondo ngayong taon ang road project na mag-uugnay sa Eastern Samar at Northern Samar provinces, na gagamitin  sa pag-kongkreto ng 1.3-kilometer section ng panukalang highway.

Ayon kay House Minority Leader Marcelino Libanan, bukod sa pag-kongkreto, popondohan din ng additional budget ang slope protection structures at konstruksyon ng drainage systems upang maiwasan ang erosion.

Ang section na ikinakasa nang buksan at i-semento ay bahagi ng 24.34-kilometer new road network sa bahagi ng Eastern Samar.

Ito ay para sa pagdurugtong ng Northern Samar sa pamamagitan ng Las Navas-Catubig Road, na may kabuuang haba na 53.60 kilometers.

Ang naturang proyekto ay pinaglaanan na ng 2.7 billion pesos.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).