26 March 2025
Calbayog City
National

Defense Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan, nilagdaan na

NILAGDAAN na ng Pilipinas at Japan ang Reciprocal Access Agreement (RAA), na naglalayong paigtingin ang defense cooperation sa pagitan ng dalawang bansa sa gitna ng umiinit na tensyon sa South China Sea.

Kasama ang matataas na opisyal ng pamahalaan, sinaksihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglagda sa kasunduan sa Heroes’ Hall sa palasyo ng Malakanyang.

Ang pagpirma sa naturang kasunduan ay kasunod ng Courtesy Call ni Japanese Foreign Minister Kamikawa Yoko at Defense Minister Kihara Minoru kay Pangulong Marcos.

Ang agreement ay pinirmahan nina Japanese Foreign Minister Yoko at Philippine Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.

Isinagawa ang unang pormal na negosasyon sa Raa sa Tokyo noong Nobyembre ng nakaraang taon sa pangunguna ng Department of National Defense, kasama ang iba pang delegasyon mula sa Department of Foreign Affairs at Department of Justice.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.