UMAKYAT sa 2.11 million ang bilang ng mga pinoy na walang trabaho noong buwan ng Mayo base sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa press conference inilabas ng PSA ang pinakabagong resulta ng Labor Force Survey (LFS).
ALSO READ:
DILG, iniutos ang maagang paghahanda sa Super Typhoon “Uwan”
DOH, nagtaas ng Code Blue Alert kasunod ng deklarasyon ng State of National Calamity
760 million pesos na Cash Aid, ipinagkaloob ng Office of the President sa mga biktima ng Bagyong Tino
State of National Calamity, idineklara ni Pang. Marcos dahil sa pinsala ng Bagyong Tino at sa papasok na Super Typhoon Uwan
Ayon kay PSA Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, ang 2.11 million na unemployed Filipinos noong Mayo ay mas mataas sa naitalang 2.04 unemployed Filipinos noon Abril.
Samantala, naitala ng PSA ang 95.9 percent employment rate noong Mayo na mas mataas ng bahagya sa 95.7 percent noong Mayo ng nakaraang taon.
Nakapagtala din ang PSA ng 4.82 million na underemployed.
