NANGUNGUNA pa rin ang Ormoc City sa medal tally ng 2024 Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) Meet na ginaganap sa naturang lungsod.
As of 3 p.m., kahapon, mayroon ng 70 medals ang Ormoc City na kinabibilangan ng 48 golds, 16 silvers, at 6 bronzes.
Pangalawa ang Calbayog City na may total na 24 medals habang nasa ikatlong pwesto ang Samar na mayroong 20 medals.
Sumunod ang Maasin City, 17 medals; Leyte, 14; Northern Samar, 12; Eastern Samar, 10; Tacloban City, 8; Southern Leyte, 6; Catbalogan City, 5; habang ang Baybay City, Biliran, at Borongan City ay mayroong tig-tatlong medalya.