21 March 2025
Calbayog City
Metro

Mahigit isandaang tricycles, inimpound ng LTO sa Quezon City

KABUUANG isandaan at isang tricycles ang inimpound ng Land Transportation Office (LTO) sa unang linggo ng implementasyon ng “No Plate, No Travel” policy sa mga tricycle sa Quezon City.

Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza na ang mahigpit na pagpapatupad nila sa polisiya ay suportado ng mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) upang protektahan ang mga lehitimong tricycle drivers.

Idinagdag ni Mendoza na nawawalan ng kita ang mga lehitimong drivers dahil sa mga colorum na pumapasada sa kanilang mga ruta nang walang kaukulang permits.

Ang “No Plate, No Travel” policy sa Quezon City ay nagsisilbing pilot run ng mas mahigpit na road safety at anti-colorum measures ng LTO, dahil plano nila itong ipatupad sa buong bansa, partikular sa four-wheel vehicles.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).