NAGHAIN na ng apela ang kampo ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC kaugnay sa naging Ruling nito sa kinukwestyong hurisdiksyon sa kaso ng dating pangulo.
Nais ng kampo ni Duterte na baligtarin ng ICC ang naging pasya nito.
ALSO READ:
Mga senador, muling in-adjust ang schedule para sa ratipikasyon ng enrolled copy ng 2026 Budget
Sarah Discaya at mga co-accused, humihirit na makabalik sa kustodiya ng NBI
Ombudsman, ipinasusurender sa DPWH ang computers at devices na inisyu kay yumaong Undersecretary Cathy Cabral
PNP at Bulacan Government, ininspeksyon ang tindahan ng mga paputok sa Bocaue
Sa apat na pahinang Notice of Appeal, iginiit ng Legal team ng dating Pangulo na walang Legal Basis para ituloy ng ICC ang Proceedings.
Hiniling din ng kampo ni Duterte na na ipag-utos ng Chamber ang Unconditional Release ni FPRRD.
Magugunitang ibinasura lamang ng Korte ang petisyon ng panig ng depensa na kumukwestyon sa hurisdiksyon ng ICC.
