UMABOT sa 48.87 billion pesos na halaga ng Investment Proposals ang inaprubahan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) noong Setyembre.
Ayon sa PEZA, mas mababa ang September total ng 9.8% kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Ang tatlumpu’t anim na inaprubahang mga proyekto ay inaasahang makalilikha ng 10,312 na trabaho at mag-dye-generate ng 1.113 billion dollars na halaga ng Exports.
Mula sa kabuuan, labing anim ay Manufacturing Projects habang siyam ang Information Technology and Business Process Management (IT-BPM) Projects.




