NALAMPASAN ni Filipina Tennis Star Alex Eala ang mahigpit na laban nila ni Greet Minnen ng Belgium sa score na 7–6(5), 6(3)–7, 7–5, sa Suzhou Open WTA 125 Round of 16 sa China.
Dahil ito, uusad ang bente anyos na Pinay sa Quarterfinals kung saan makakaharap niya si Viktorija Golubic ng Switzerland.
Ito ang ika-apat na sunod na nakaabot si Eala sa Quarterfinals ng WTA 125 Tournament, matapos sumabak sa Guadalajara Open, SP Open, at Jingshan Tennis Open.
Sa kabuuan, ito na ang kanyang ika-anim na Quarterfinals ngayong taon, kasama ang torneyo sa Miami Open at Eastbourne Open.




