NAKAMIT ng Calbayog City ang Kapeonato sa ginanap na Tandaya Festival of Festivals 2024.
Kabilang sa naging resulta ng kompetisyon ay ang mga sumusunod; Love the Philippines Award mula sa Department of Tourism na nakamit ng Hadang Festival ng Calbayog City na siyang nanguna sa kompetisyon.
Ang Pahoy-Pahoy festival naman ng Calbiga, Samar ang second placer. Habang 3rd Place ang Makarato Festival ng Matuguinao, Samar.
Samantala, nakamit naman ng Manaragat Festival ng Catbalogan, Samar ang festival king award.
Sa parade of floats ang champion ay ang Catbalogan City; second placer ang San Jose debuan at 3rd Placer ang Calbayog City.
Ang Tandaya Festival ay ipinagdiriwang bilang parte ng selebrasyon ng Samar Day na ginaganap tuwing ika-11 ng Agosto ng taon.
Mga Calbayognon, pinayuhan ng City Health Office na mag-doble ingat laban sa Influenza-like Illnesses
Northern Samar Hospital, humingi ng pang-unawa sa gitna ng Overcrowding
Catarman, Northern Samar, idineklarang ‘Insurgency Free’
DPWH, humihirit ng 140 million pesos na Repair Fund para sa Calbiga Bridge sa Samar