20 May 2025
Calbayog City
Sports

‘Golden Boy’ Carlos Yulo, may 2 nang gintong medalya sa Paris Olympics

NASUNGKIT ng Filipino gymnast na si Carlos Yulo ang ikalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.

Kagabi ay namayagpag ang “golden boy” ng Pilipinas sa men’s vault finals sa Bercy Arena.

Nakapagtala ang bente kwatro anyos na si Yulo ng 15.166 points para sa kanyang two vault finals.

Noong Sabado ng gabi ay napasakamay ni Caloy ang unang gintong medalya sa Paris Olympics sa ipinakita nitong galing sa floor exercises.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).