NAITALA sa Guiuan, Eastern Samar at sa Aparri, Cagayan ang pinakamataas na heat index na 47 degrees celsius, kahapon, ayon sa PAGASA.
Sumunod naman ang Laoag City, Ilocos Norte at Dagupan City, Pangasinan na nakaranas ng 45 degrees celsius na damang init ng katawan.
Bukod sa apat na naturang lugar, dalawampu’t dalawang iba pa ang umabot ang heat index sa ilalim ng “Danger” Category o temperatura na 42 hanggang 51 degrees celsius.
Una nang inihayag ng PAGASA na ang naturang lebel ay maaring magdulot ng heat cramps at exhaustion, habang posible rin ang heat stroke kung patuloy na maiinitan o mabibilad sa sikat ng araw.