7 February 2025
Calbayog City
Local

Mga lokal na  opisyal ng Calbayog City, binisita ang Billeting Quarters ng Calbayog Supersonics

BINISITA nina Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy at Vice Mayor Rex Daguman, kasama sina City Councilors Abbie Joy Irigon-Yulo, Florencio Enriquez, Rhena Tafalla, Rosendo Morales, Marc Celino Tan, at Nena Villamor, ang billeting quarters ng Calbayog Supersonics sa Valencia National High School sa Ormoc City.

Ang pagbisita ay pagpapakita ng commitment ng lungsod na suportahan ang kanilang mga atleta at tiyakin ang kaginhawaan at kahandaan ng mga bata para sa nalalapit na Eastern Visayas Regional Athletics Association (EVRAA) 2024.

Kahapon ang opening ceremony ng EVRAA 2024 kung saan ang Ormoc City ang nagsisilbing host ng prestihiyosong event.

Ang presensya nina Mayor Mon, Vice Mayor Rex, at mga konsehal ng lungsod sa billeting quarters ay patunay ng  kanilang pakikiisa at suporta sa Calbayog Supersonics sa pagsabak nila sa regional athletics competition.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *