18 March 2025
Calbayog City
National

AFP, nanawagan sa mga Pinoy na gamitin ang social media sa pagpapalaganap ng katotohanan sa mga isyu sa West Philippine Sea

afp on social media

NANAWAGAN ang Armed Forces of the Philippines sa mga Pilipino na gamitin ang kanilang social media accounts para labanan ang pagkalat ng mga maling impormasyon kaugnay sa usapin sa West Philippine Sea.

Sinabi ni AFP Spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla na umaasa sila na bawat isa ay makatulong upang ipagkalat sa mundo ang katotohanan sa mga isyu sa pinagtatalunang teritoryo.

Sa ilalim ng kanilang Communication Plan “Mulat” for the West Philippine Sea, layunin ng AFP na palakasin ang transparency, labanan ang disinformation, at pag-ibayuhin ang public awareness hinggil sa mga karapatan at interest ng Pilipinas sa rehiyon.

Binigyang diin ni Padilla na ang Pilipinas ay mayroong “Great Online Presence” at ang katotohanan at batas ay nasa ating panig.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).