BUMABA ang Gross Borrowing ng gobyerno noong Mayo, bunsod ng nabawasang Foreign Loans.
Ayon sa Bureau of Treasury, bumagsak ng 25.85% o sa 192.31 billion pesos ang kabuuang inutang ng pamahalaan noong ikalimang buwan.
Mas mababa ito ng 50.7% kumpara sa Gross Borrowings noong Abril.
Bumagsak ng 95.1% o sa 6.25 billion pesos ang inutang sa labas ng bansa noong Mayo habang lumobo naman ng 41.25% o sa 186.06 billion ang Gross Domestic Borrowing, kumpara sa kaparehong buwan ng nakaraang taon.