LUMOBO ang gross borrowings ng national government noong Setyembre, ayon sa Bureau of Treasury.
Batay sa datos, lumobo ng 255.64 percent o sa 367.18 Billion Pesos ang kabuuang inutang noong Setyembre mula sa 103.25 Billion Pesos na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Mahigit doble rin ito kumpara sa 174.03 Billion Pesos na gross borrowings noong Agosto.
Malaking bahagi ng inutang noong setyembre o 60 percent nito ay mula sa external sources. Umakyat sa 221.98 Billion Pesos ang utang panlabas noong ika-sampung buwan mula sa 11.18 Billion Pesos noong nakaraang taon.