LABIS na ikinabahala ni United Nations Chief Antonio Guterres ang patuloy na dumaraming bilang ng mga nasasawi, nasusugatan, at nawawasak sa Northern Gaza.
Kasunod ito ng pag-atake ng Israeli Forces, kamakailan na nagresulta sa pagkasawi ng limampu’t tatlo katao sa Gaza at dalawampu’t isa sa Lebanon.
ALSO READ:
Barko lang ng Amerika ang bawal dumaan sa Strait of Hormuz
Iran, walang palulusutin kahit 1 litrong langis sa Strait of Hormuz
UAE oil giant na ADNOC, isinara ang kanilang Ruwais refinery kasunod ng drone strike
France, naghahanda sa pag-escort ng mga barko sa Strait of Hormuz kapag kumalma na ang giyera
Ipinanukala naman ng Egypt ang “limited two-day ceasefire” sa Gaza, para sa palitan ng apat na Israelis at Palestinian Prisoners.
Batay sa pinakahuling tala, umabot na 42,924 ang bilang ng mga napaslang habang 100,833 ang mga nasugatan, simula nang atakihin ng Israel ang Gaza noong Oct. 7, 2023.
