NAGPADALA ng “surrender feelers” ang isang person of interest sa pagdukot sa american vlogger na si Elliot Eastman, sa Sibuco, Zamboanga Del Norte.
Sinabi ni PNP Spokesperson, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, na umaasa silang sa mga susunod na araw ay magkakaroon ng magandang development sa kaso.
Tumanggi naman si Fajardo na isiwalat ang koneksyon ng person of interest sa amerikanong biktima at sa iba pang residente sa komunidad.
Oct. 17 nang dukutin ng apat na kalalakihan si Eastman mula sa bahay ng kanyang in-laws sa Sibuco. Pumalag umano ang biktima kaya binaril ito sa binti at saka isinakay sa bangka.