PATAY ang isang kinse anyos na binatilyo matapos gulpihin ng isang opisyal ng sangguniang kabataan at isa pang lalaki, sa Maynila.
Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang suspek na si Irineo Cardanio, bente tres anyos at SK Kagawad Mark Jhorell, disi otso anyos.
Ayon sa report, kinompronta ng dalawa ang biktima sa kahabaan ng F. Manalo St., Barangay 894 sa Sta. Ana-Punta.
Sa salaysay ng mga testigo, sinabi ng mpd na kasama ng biktima ang kanyang mga kaibigan nang lapitan siya ng mga suspek saka binugbog.
Bumagsak sa semento at nawalan ng malay ang teenager at nang isugod sa ospital ay idineklara itong dead on arrival.