MAY nakitang grounds si House Committee on Good Government and Public Accountability Chairperson, Manila 3rd District Rep. Joel Chua para ma-impeach si Vice President Sara Duterte dahil sa hindi maipaliwanag na paggamit ng pondo.
Ang tinutukoy ni Chua ay ang paggamit ng Office of the Vice President ng 16 Million Pesos na budget na para sana sa Safe Houses at 15 Million Pesos para sa Youth Summit.
Sinabi ng kongresista na sa dalawang pagkakataon, maliban na lamang kung mabibigyang katwiran ang paggamit ng mga naturang pondo, ay may nakikita talaga sila na pananagutan ng bise presidente.
Binigyang diin ng Chua na ground for impeachment ang mga ito dahil malinaw aniya na mayroong betrayal of public trust at graft and corruption.