ANIM pang bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bago matapos ang 2024.
Ito, ayon kay Chris Perez, Officer-In-Charge ng pagasa Weather Division, batay sa outlook sa pinakahuling pagasa climate forum, kung saan dalawa hanggang walong bagyo ang tinatayang papasok at tatawid ng par sa huling quarter ng taon.
Ipinaliwanag ni Perez na dahil naka-dalawa na nitong oktubre, na kinabibilangan ng mga Bagyong Kristine at Leon, hanggang anim na lamang ang inaasahang papasok, bago matapos ang taon.
Idinagdag ng pagasa official na asahan din ngayong last quarter, ang mas malalakas na bagyo at ang posibilidad na tatawid ang mga ito sa kalupaan ng bansa.