24 June 2025
Calbayog City
Local

‘Piso Caravan’ ng BSP, dinala sa Tacloban City

DINALA ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang kanilang “Piso Caravan” sa Tacloban City para mapalitan ang ang luma at nasirang mga  perang papel at barya.

Sa tatlong araw na caravan na nagsimula kahapon, sa Robinsons Place Tacloban, hinimok ang publiko na palitan ang kanilang unfit currency ng bagong banknotes at coins.

Ayon kay Erma Lagarto, BSP-Cebu Senior Bank Officer, ang unfit banknotes ay perang papel na marumi, sobrang lambot, may mantsa o nangupas na ang imprenta, at may mga sulat o marka.

Ang mutilated banknotes naman aniya ay perang papel na may pandikit at staple wires, nasunog, may punit, butas, o nawawalang bahagi, at naputol na substrate o manipis na plastic film.

Idinagdag ni lagarto na layunin ng BSP Piso Caravan na matiyak na ang pera ng mga tao ay safe at malinis.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).