NAKATAKDANG palawakin ng Eastern Visayas Medical Center (EVMC), sa Tacloban City, sa Leyte, ang pinakamalaking ospital na pinatatakbo ng gobyerno sa rehiyon, ang bed capacity nito sa 1,500 mula sa limandaan.
Ayon kay Dr. Joseph Michael Jaro, Chief ng EVMC, plano rin nilang itaas sa 1,800 mula sa 1,500 ang bed capacity para ma-accommodate ang mas maraming pasyente.
Lagpas na kasi sa operating capacity ang EVMC dahil ang mga pasyenteng dinadala rito ay galing pa sa iba’t ibang bahagi ng Samar Island.
Ang planong expansion ay pinaglaanan ng budget na 800 Million Pesos.
Target matapos ang naturang expansion project sa 2028.