BUMABA ng halos 12 percent ang inutang ng pamahalaan noong Hulyo kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Batay sa datos mula sa Bureau of Treasury, bumagsak sa 166.1 billion pesos ang Gross Borrowing ng bansa mula sa 188.7 billion pesos kumpara noong July 2024.
Dumagdag sa 13.6 billion pesos na Gross External Debt ang bagong utang na 5.5 billion pesos, na katumbas ng halos 70 percent na Increase mula sa 8 billion pesos na naitala noong Hulyo ng nakaraang taon.
Samantala, bumaba naman ng 15.5 percent o sa 152.5 billion pesos ang Gross Domestic Borrowing mula sa 180.6 billion pesos na nai-record noong July 2024.