LUMAGPAS na sa isandaang bilyong piso ang dibidendo mula sa Government-owned and Controlled Corporations (GOCCs) ngayong taon.
Sa datos na inilabas ng Department of Finance (DOF), umabot na sa 105 billion pesos ang nakolekta ng National Government mula sa mga kumpanyang pinatatakbo ng pamahalaan.
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Ang Land Bank of the Philippines ang pinakamalaking source ng Remitted Dividends na nasa 26 billion pesos.
Sumunod ang Bangko Sentral ng Pilipinas na nag-remit ng 18.9 billion pesos; Philippine Amusement and Gaming Corp., 12.67 billion pesos; at Philippine Deposit Insurance Corp., 10.13 billion pesos. Sa press chat, kamakailan, tinaya ni Finance Secretary Ralph Recto sa 90 hanggang 110 billion pesos ang dibidendo mula sa GOCCs, mas mataas sa 20 billion pesos na target na itinakda sa ilalim ng Budget of Expenditures and Sources of Financing (BESF) 2025.