NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang gobyerno ng China sa anila ay lumalalang krimen sa Pilipinas na tumatarget sa mga Chinese Nationals.
Dahil dito, naglabas ng babala ang Ministry of Foreign Affairs ng China at ang Chinese Embassy sa kanilang mga mamamayan na nasa Pilipinas na bantayang mabuti ang Local Security, paigtingin ang kanilang pag-iingat at magpatupad ng Self-Protection Measures.
ALSO READ:
Inabisuhan din ang mga Chinese Nationals sa Pilipinas na iwasan ang magtungo sa mga High-Risk Area at siguruhin ang kanilang personal na kaligtasan.
Pinayuhan naman ang mga Chinese na nagbabalak pa lamang magtungo sa Pilipinas na magsagawa ng maingat na Risk Assessments bago ituloy ang kanilang pagbiyahe.




