NATAKASAN ng Gilas Pilipinas 3×3 ang Malaysia sa score na 21-19, sa Men’s 3×3 Basketball Competition ng 2025 Southeast Asian Games sa Nimibutr Stadium sa Bangkok, Thailand.
Pinangunahan ni Ange Kouame ang Gilas 3×3 sa kanyang 8 points, habang nag-ambag sina Joseph Eriobu at Janrey Pasaol ng tig-limang puntos.
ALSO READ:
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Olympians na sina Eumir Marcial at Aira Villegas, umusad sa Boxing Finals sa SEA Games
Alex Eala, pinadapa ang pambato ng Thailand para makapasok sa Tennis Finals sa SEA Games
Gayunman, ang game-winning basket ni Joseph Sedurifa, sa nalalabing 1 minute and 19 seconds ang nagpanalo sa Gilas.
Dahil dito, umakyat ang Pilipinas sa 2-0, matapos unang padapain ang Vietnam, sa score na 21-15.
Sasabak ang Gilas 3×3 sa Semi Finals, mamayang hapon.
