Iniimbestigahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang umano’y ghost employees sa kanilang monetary board.
Apat na empleyado at isang immediate supervisor na umano’y sangkot sa kontrobersya ang boluntaryo nang nag-resign noong Marso.
Nagsasagawa ang BSP ng post-incident review sa kanilang rules upang matiyak na hindi na ito mauulit.
Naglunsad ng imbestigasyon ang Office of the General Counsel hinggil sa insidente noong Oct. 3 kasunod ng reports na ilang staff ng mga opisina ng dalawang monetary board members ang hindi nagre-report sa trabaho pero sumu-sweldo.
Nasundan ito ng isa pang malalimang imbestigasyon noong December 2023 habang natukoy ang apat na empleyado at dalawa nilang immediate supervisors noong January 2024.
Tiniyak naman ng BSP na babawiin nila ang mga sweldo na kanilang ibinigay sa mga sangkot na empleyado.